CNF Writing Exercise: Spirit of the Childhood Past.

--

Dinig ang matuling pagkalabit ng mga string ng gitara pagkasilip ko sa loob ng munting tindahan.

Kamukha mo si Paraluman…

Mabagal ang pagkanta, ngunit masigla ang tunog ng gitara. Walang sawang tumutugtog si kuya habang pasimple akong sumabay sa pag awit.

…at ang galing galing mong sumayaw

Mapa-Boogie man o Cha-Cha —

Tumigil ang awitin matapos mabanggit ang mga salitang iyon. Napalitan ito ng malakas na tawa ni kuya, at ng pikon kong ingit. Palagi na lamang niya akong inaasar pagdating sa parte na ‘yon dahil Boogie ang pangalan ng kapitbahay naming may gusto sa akin.

Subalit matapos ang asaran ay tinapik ako ni kuya sa bunbunan, at nakangiting itinuloy ang kanta sa paborito kong parte.

Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay.

--

--

Chelsea Elizabeth Naredo
Chelsea Elizabeth Naredo

Written by Chelsea Elizabeth Naredo

Unti-unting humahakbang papalayo sa mundong nakasanayan.

No responses yet